Brg. Buhisan: Lugar na kay saya, tara na't gumawa ng mga kay gandang ala-ala


Brg. Buhisan, isang lugar na hinding-hindi ko makakalimutan. Matatagpuan ito sa Sitio Buhisan Proper (Centro). Simple, ngunit ako'y namangha sa kung paano nila iningatan ang kanilang eco-cultural heritage at ang kanilang mga tourist spots. Isang masayang karanasan talaga ang malakbay ang Buhisan. Para ngang "Little Baguio" dahil ito ay mabundok at matarik.          

Sa kasamaang palad, bigla nalang umulan kaya sumilong muna kami, pero tuloy pa rin ang aming lakad. Nang papatarik na ang daan, nakita ko ang isang mala-bunduking tanawin, na siguradong pipigil sa inyong hininga. Nakita ko rin,sa papalayo, ang bantog na Buhisan Dam. Sa pagpatuloy namin, namangha ako sa mga matatarik at malalaking bundok at kung gaano ka-swerte ang Buhisan dahil sa magagandang lugar nito.

Sariwa sa mga halaman at puno ang Buhisan. Pakiramdam ko tuloy na nasa kagubatan ako. Halos lahat ng nakikita ko ay nasa kulay berde. Sariwa ang mga halaman at puno sa kanilang mga lugar. Nang papataas na, unti-unti namang guminaw ang hangin.





Nakita namin ang isang lathalaan (nasa itaas) na nagpapakilala sa Brg. Buhisan. Dun ako nagkaroon ng konting ideya kung ano ang itsura ng Buhisan.


Isang mapayapang lugar ang nadatnan namin sa Buhisan Eco Park. Para sa akin, pwede itong maging ganap na pasyalan at picnic spot ng mga magkakaibigan. Sapagkat, maraming puno na kasingtaas  ng gusali at sa magandang tanawin, ang kadalasang pakay ng mga tao,  pwede ring bigyang halaga ang ating kalikasan sa pamamagitan ng pagmasid at puriin ang angking kagandahan nito. Meron ding mga makukulay na halaman na siguradong makakaakit ng mga bisita.

Ito naman ang Buhisan Nature
Center. Matatagpuan ito sa kabilang bahagi lamang ng Eco Park. Meron din silang mga ipinatayong playground gaya na lang ng seesaw at swing.



Ang huling pinuntahan namin ay ang Buhisan Watershed Forest Reserve, dito matatagpuan ang bantog na Buhisan Dam, na nagsisilbing pinanggalingan ng tubig ng Metro Cebu at Cebu City.

Dahil hindi pwedeng makapasok, nawala ang pagkakataon naming makita ang dam.

Ito naman ay ipinagawa ni Mayor Rama.

















Nakapanayam rin nami si Hon. Gremar C. Barete ang Brg.Captain ng Buhisan.

Ayon sa kaniya, kailangan na ang bawat tao ay may boses o tinig.
Isinusulong rin niya ang child-friendly na barangay.
 Plano rin niyang dahan-dahang ipaayos ang mga kalye ng Buhisan at higpitin ang seguridad ng mga tao lalo na sa mga illegal gambling na lubos na ipinagbabawal.



Para sa akin, ang Buhisan ay isang lugar na gustong lakbayin ng mga taong interesado sa kalikasan. Isang biyaya sa kanila ang mabigyang angking yaman at kagandahan ng kalikasan. Hinihikayat ko po kayong pumunta sa Brg. Buhisan.

Hindi talaga masasayang ang oras niyo.




















Pinapagana ng Blogger.

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Hi! Im Sheena, a 13 year old highschooler who is an ambitious dreamer and someone wants to make name in the blogging industry. ANYTHING IS POSSIBLE.